Annyeonghaseyo (안녕하세요) mga kababayan!
“The wait is over
The time is now, so let’s do it right
Yeah, we’ll keep going
And stay up until we see the sunrise
And we’ll say
I wanna dance, the music’s got me going”
Ain’t nothing that can stop how we move, yeah” sabi nga ng sikat na sikat na KPOP na BTS kaya walang makakapigil sa mga empleyado ng ating lungsod sa pagsasaya kagabi sapagkat matapos ang mahabang panahon ng quarantine ay tayo ay nagsasama-samang muli upang mas paigtingin ang pagkakaisa, pagtutulungan at pagmamahalan ng bawat isa, nitong January 12, 2023 sa ating Pag-Asa Gymnasium sa pangunguna ng ating host, ang Philippine Carabao Center sa pamumuno ni Dr. Liza G. Battad, Executive Director.
Tunay na tanggal ang stress at pagod ng mga empleyado kagabi sapagkat sobrang saya ng naganap na programa at heto pa Chukahamnida (Congratulation) po sa mga nanalo sa ating naglalakihang raffle draw prizes at sa nagwagi sa ating BEST ATTIRE na nagmula sa LOKAL NA PAMAHALAAN NG SCIENCE CITY OF MUÑOZ at PHilMech.
Kamsahamnida (Thank You) po sa mga dumalo sa ating masayang programa kabilang ang ating napakasipag at mapagmahala na TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ, VICE MAYOR NESTOR LAZARO ALVAREZ, Cong. Joseph Violago, mga Konsehal ng ating lungsod, mga pinuno at empleyado ng bawat ahensya at iba pang dumalo. Damang dama ng lahat ang tema ng EMPLOYEES’ NIGHT 2023 na KPOP.
