MGA KABABAYAN,

Dahilan sa nakakaalarmang pagdami ng kaso ng Covid19 sa ating lungsod gayundin sa ating mga karatig-bayan, ang inyo pong lingkod ay nagpalabas ng Executive Order. No. 04 Series of 2021 (AN ORDER PROVIDING FOR THE THE STRICT ENFORCEMENT OF THE MINIMUM PUBLIC HEALTH STANDARDS TO BE OBSERVED IN THE 37 BARANGAYS OF SCIENCE CITY OF MUÑOZ, NUEVA ECIJA UNDER THE MODIFIED GENERAL COMMUNITY QUARANTINE (MGCQ). Ito ay  epektibo mula ngayong araw, May 4, 2021 hanggang kinakailangan.

Nakikiusap po tayo para sa pakikiisa ng bawat isa. Ipagpaumanhin po kung tayo ay masisita kung may malabag man sa isa sa mga nakapaloob dito.

Ilan po sa mahahalagang nakapaloob dito ay:

❗️MAHIGPIT NA PAGPAPATUPAD NG PAGSUSUOT NG FACEMASK AT FACE SHIELD.

❗️MAGHIHIGPIT SA CURFEW (10 PM – 5 AM) PATI MGA ESTABLISYIMENTO.

❗️MAY LIQUOR BAN PO TAYO ULIT. BAWAL MAGBENTA, BUMILI AT UMINOM.

❗️ANG MASS GATHERING AY MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL, PARA SA PERMIT AY SA NE-IATF PO KUKUHA NG PERMIT. (Meeting, trainings, etc) – Nasa larawan din po ang kopya ng Executive Order No 2021-02 ng NE-IATF para sa mga requirements.

❗️ANG MGA KASAL, BINYAG AT KATULAD NITO AY LIMITADO LAMANG ANG MAAARING DUMALO SA SEREMONYA MAGING SA RECEPTION.

❗️ANG MGA MISA PO AY SA LIMITADONG KAPASIDAD DIN (50%) AT MAHIGPIT NA SUSUNDIN ANG SAFETY PROTOCOLS

❗️ANG BUROL AY 3 DAYS NA LANG PO AT LIMITADO SA BILANG NG MAAARING DUMALAW AT SA MAKIPAGLIBING

❗️MGA PAMPUBLIKONG SASAKYAN, LIMITADO PO ANG MAAARING ISAKAY.

❗️ANG ATING KAPULISAN, PUBLIC ORDER AND SAFETY OFFICE, TRAFFIC MANAGEMENT GROUP, BUSINESS AT MARKET OFFICE AT PAMUNUAN AT BHERT NG 37 BARANGAY AY MAKAKATULONG PO NATIN SA PAGPAPATUPAD NG MGA NABANGGIT.

❗️❗️ILAN SA MGA ALITUNTUNIN PONG ITO AY NASA NATIONAL AT PROVINCIAL GUIDELINES/PROTOCOLS NA PO, KINAKAILANGAN LANG PO TALAGA NATING ULIT-ULITING IPAALALA SA ATING LAHAT.

Magtulungan po tayo!

Maraming salamat po!