Isang kabayanihang kawang gawa ang pamamahagi ng Phi Beta Rho ng face mask nitong Abril 8,2020 sa mga bayaning frontliners na tulong tulong na sinisiguradong ligtas sa Covi-19 ang ating lungsod.

Taos pusong tinanggap at nagpasalamat ang ating punong lungsod na si Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. sa Phi Beta Rho sa kanilang bukas palad na pagtulong.

Lubos din ang pasasalamat ni Mayor Alvarez sa lahat ng tumulong at nagbigay ng pagkain at kagamitan upang masugpo ang Covi 19 at sa mga nais pang tumulong sa pamahalaang local ng lungsod. Ang lokal na gobyerno sa pangunguna ni Mayor Alvarez ay saludo sa pagsusumikap at kabayanihan ng lahat ng frontliners sa buong mundo lalo na sa mga frontliners ng Lungsod Agham ng Muñoz.

#WeHealAsOneMuñozonians
#MuñozoniansBayaningTunay