Sa pangunguna ni Ms. Constancia V. Feliciano, FSCA SCM Chapter President at Ms. Gabriela Fernandez ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), ang Federation of Senior Citizen Association of the Philippines (FSCA) Science City of Muñoz Chapter ay nagkaroon ng pagpupulong nitong Oktubre 14, 2022  kung saan ang pangunahing paksa ay ang pagtatatag at pagsasaayos ng kanilang organisasyon. Sa paraang ito, ang isang sapat na plataporma nang samahan ay kailangan upang magkakaroon ng isang matatag na pamamalakad at patakaran o polisiya.

 Mula po sa Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ ang pasasalamat sa inyong pagtulong at pagkakaisa para sa mga minamahal nating senior citizen ng ating lungsod.