Nagpamahagi ang Philippine Carabao Center kasama ang Lokal na Gobyerno ng Science City of Muñoz sa pangunguna nina Dr. Arnel N. Del Barrio na siyang Executive Director ng PCC at Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. ng milky buns at gatas para sa mga bata. Ang mga ito ay ipinamigay sa pamamagitan ng mga Day Care Workers ng 37 barangays ng Science City of Muñoz, nitong Hunyo 5,2020 sa City Hall Ground.

Bilang bahagi ng programa pinangunahan ni Ms. Wilma Beron ang panalangin, kasunod nito ang pagbibigay mensahe nina Hon. Nestor L. Alvarez, Ph.D., Dr. Arnel N. Del Barrio, Ms. Jocelyn Ramones bilang representative ng Department of Agrariam Reform at Ms. Riza G. Ramos, Ph.D. bilang representative ng PhilRice. Si ABC President Alexander Natividad ang syang nagbigay ng pagtatapos na pananalita.

Pinangunahan nina Mayor Alvarez, Coun. Cabrera at iba pang mga bisita mula sa ibat- ibang ahensya tulad ng PCC, PhilMech, PhilRice, DOST, DAR, DSWD ang milk toast at ang pamimigay ng mga gatas at milky buns. Ayon kay Dr. Arnel N. Del Barrio ang layunin ng programa ay upang mapalakas ang immune system ng mga kabataan at matulungan ang mga magsasaka upang magpatuloy ang kanilang pag gagatas sa mga kalabaw. Ayon din kay Dr. Del Barrio, isa na din itong pakikiisa sa pagdiriwang ng World Milk Day noong June 1, 2020. Lubos ang pasasalamat ni Mayor Alvarez sa mga dumalo sa nasabing programa, gayun din naman ang pasasalamat ng pamunuan ng Philippine Carabao Center at kanilang partners sa pag suporta ng lungsod sa ibat-ibang programa nito.