Naggagandahang mga float, mga empleyado ng ahensya at miyembro ng ibat-ibang organisasyon dito sa lungsod ang ating natunghayan nitong January 20, 2023 sa ating UHAY Grand Parade ngunit bago ang nasabing parada, ang Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating napakaganda at napakasipag na TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ at ng ating Super Vice Mayor NESTOR LAZARO ALVAREZ, Ph.D. ay naganap ang isang Fiesta Mass kung saan ipinagdiwang din ang Ika-101 Kapistahan ng Mahal na Patron San Sebastian at Pagpapasinaya ng Bagong Kumbento sa ating San Sebastian Parish Church.
Nakasalo at nakapulot po ba kayo sa umuulang candy sa parada kanina? Aliw na aliw po ang ating TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ at VICE MAYOR NESTOR LAZARO ALVAREZ, Ph.D. sa paghahagis ng candy sa ating mga kababayan.
Maraming salamat po sa lahat ng dumalo, nakiparada, nakiisa, nanuod sa ating parada at sa lahat ng naglaan ng oras upang mabuo ang inyong mga naggagandahang float. Nagpapasalamat din po kami sa ating mga hurado na sina Atty. Jose Maria Caesar C. San Pedro, Atty. Gemma Lynne P. Layug-Teo at Arch. Cristel Mae B. Gragasin, UAP. Higit sa lahat ay maraming maraming salamat po sa GP Partylist sa pangunguna ni Cong. Gp Padiernos sa inyong palugaw. Mabuhay po ang lahat!


