Pinagpalang lunes po para sa ating lahat! Pagkatapos po ng ating lingguhang FLAG RAISING CEREMONY ay iginawad po ni Mr. Crismelito R. Catacutan, LGOO VI ang isang pagkilala sa walang kapantay na pagsusumikap sa pagganap ng mga tungkulin, sa pakikiisa sa kampanya ng National Government’s Anti-Illegal Drug Campaign, at nagkaroon ng 87 functionality points sa pagsasagawa ng 2021 ADAC Performance Audit ang ating Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pangunguna ng ating nag-iisa, napakasipag at nakapagaling na TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ.

 Nagpaabot din po ang ating TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ nang kanyang taos pusong pasasalamat sa lahat ng patuloy na nakikiisa at patuloy na tumutulong sa pag-abot natin sa ating minimithing tuloy-tuloy na pagunlad ng ating mahal na lungsod. Hiling din po niya na ipagpatuloy po natin ang pagsuporta sa kampanyang BIDA “Buhay ay Ingatan, Droga ay Iwasan”.  Isang walang kapantay na pasasalamat din po ang kaniyang hinatid sa matagumpay na pagdiriwang ng ating 10th UHAY Festival at 22nd Charter Anniversary. Mabuhay po ang lahat at pagpalain nawa tayo ng Panginoon.