Bawal magkasakit! Sa dami ng hamon sa ating buhay sa araw-araw ay talaga nga namang mahirap magkasakit!
Kaya sa inisyatibo ng ating masigasig at napakasipag na TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ ay kanyang personal na pinuntahan ang Central Luzon State University na pinamumunuan ni Dr. Edgar A. Orden upang maghatid ng hindi mapapantayang serbisyo na pagbabakuna ng flu vaccine sa mga empleyado ng Administrative Office.
Tunay nga namang nanatili sa puso ng ating mahal na TITA MAYORA ang pagseserbisyo bilang isang magiting na nurse na lubos na nakakatulong sakanya sa pagbibigay ng walang kapantay na serbisyo bilang isang mabuting MAYORA at INA ng ating mahal na lungsod.
