“Ipaglaban ang Karapatan ng Bawat Kabataan” sapagkat “Kabataan ang Pag-Asa ng Bayan”. Lubos po ang pagsuporta at pagmamahal ng ating mahal na TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ sa ating mga kabataan kaya sa abot ng kaniyang makakaya ay gagawin niya ang lahat upang matulungan at maipaglaban ang bawat bata sa ating lungsod agham.

 Bilang parte ng pagdiriwang ng National Children’s Month ay isinagawa nitong Nobyembre 15, 2022 ang Focus Group Discussion sa pangunguna ng ating butihing TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ at ng City Social Welfare and Development (CSWD) sa panguguna ni Ms. Gabriela B. Fernandez, kung saan ang bawat batang kinatawan ng kanilang barangay ay nagtipon tipon upang talakayin ang mga karapatan ng mga kabataan at kung paano maipaglalaban ang mga ito.Naganap din ang bahagian ng mga ideya at karanasan na makakatulong sa bawat isa.

 Mabuhay mga kabataan ng Science City of Muñoz!