Magandang hapon sa inyong lahat mga ka Muñozonian!

Patuloy po ang Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamamahagi ng mga food packs para sa mga kababayan nating na lockdown at nawalan ng mahal sa buhay. Ito ay isang paraan upang maibsan ang nararanasan nilang lungkot at dalamhati dahil sa Covid-19 pandemic na patuloy na nakakaapekto sa ating buhay at ekonomiya. Tumulong din ang mga opisyal at miembro ng SK ng Lungsod sa pamamahagi.

Sa tuloy tuloy na pamumuno nang ating butihing Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D., ay umasa  po tayong hindi tayo pababayaan ng ating pamahalaan sa ano mang uri ng trahedya o kalamidad.

Sa ating pag araw-araw na buhay, huwag po nating kalilimutan ang minimum health protocols tulad ng paghuhugas ng kamay tuwina, pagsusuot ng face mask at face shield, at bihirang paglabas ng bahay upang makaiwas sa COVID-19.

Sa araw-araw may pag-asa, tulong-tulong, sama-sama mga ka Muñozonian! Laban para sa Lungsod Agham!

#NaglilingkodngLubosatmayAksyon
#ALagangAlvarez
#TatakAlvarez
#SerbisyongHandog
#KapayapaanKatahimikanKaayusan