“Tatakbo! Tatalon! Isisigaw ang Pangalan Mo!”

 Nakitalon po ba tayo at nakisigaw sa naganap na Gabi ng Pasasalamat nitong June 29, 2022 kung saan inantig ng bandang THIS BAND at ROCKSTEADY ang ating mga puso at pinaindak ng mga LOCAL ARTISTS ng SCIENCE CITY OF MUÑOZ ang ating mga katawan.

 Kita sa mga mata ng kabataan at “kabataan at heart” ang kasiyahan nila sa naganap na concert. Sabi nga ng Rocksteddy “Lahat ay gagawin, lahat ay susuungin! Lahat haharapin, lahat ay kakayanin” para lang makiindak at makisaya sa Pag-Asa Gymnasium.

 GABI NG PASASALAMAT! Ang gabi kung saan ang ating mamamayan ay pinapasalamatan ng Lokal na Pamahalaan sa kanilang pagpapatuloy sa buhay sa kabila ng mga problema at sakuna, sa kanilang patuloy na pagmamahal sa kanilang kapwa at sa kanilang bayan, sa kanilang pagpupursigi upang maabot ang kanilang mga pangarap at sa kanilang walang sawang paniniwala sa kanilang mga sarili. Laban lang mga kabayan!