Nakatuon ang Gender and Development (GAD) sa panlipunang batayan ng mga pagkakaiba ng mga kalalakihan at kababaihan at binibigyang diin ang pangangailangan na umiiral sa mga tungkulin ng mga kasarian at kaugnayan ng mga ito.

 Sa Science City of Muñoz pantay pantay ang karapatan ng bawat kababaihan at kalalakihan. Ano mang kasarian sama-sama patungo sa maganda at maunlad na kinabukasan.

 Lubos po ang pagsuporta at pagpapahalaga ng ating TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ sa pagkakapantay pantay ng karapatan at kahalagahan ng ating mga kalalakihan at kababaihan sa ating lungsod kaya nitong Nobyembre 23, 2022 hanggang Nobyembre 24, 2023 ay ginanap ang isang GENDER AND DEVELOPMENT (GAD) TRAINING sa ating Multipurpose Building sa pangunguna ng ating TITA MAYORA BABY ARMI at ng City Social Welfare and Development Office sa pangunguna ni Ms. Gabriela B. Fernandez.

 Ang mga dumalo sa nasabing training o seminar na kinabibilangan ng mga kawani ng iba’t ibang departamento ay sumailalim sa pagsasanay at kanilang natutunan na ilarawan ang mga pangunahing konsepto na may kaugnayan sa kasarian; tukuyin kung paano nakakatulong ang mga institusyong panlipunan sa pagpapatuloy ng mga isyu / bias sa kasarian; ibahin ang mga sekswal na oryentasyon, pagkakakilanlan ng kasarian, at pagpapahayag ng kasarian; tukuyin ang mga mandato na may kaugnayan sa GAD; at pahalagahan ang gender mainstreaming bilang isang diskarte sa pagdidisenyo at pagpapatupad ng mga plano ng GAD.

 Madaming mga masasayang laro ang ginawa ng mga dumalo na siyang lubos na nakatulong sa maayos, masaya at punong puno ng aral na pagsasanay. Tandaan, sa Science City of Muñoz ay sama-sama at tulong-tulong ano mang kasarian, edad, relihiyon, kultura, lahi, estado sa buhay at may kapansanan man o wala lahat ay patuloy na nagkakaisa para sa pagsulong.