PARA SA KAALAMAN NG LAHAT!

Narito po ang ilang mahahalagang pagbabago sa mga panuntunan ngayong ang ating lungsod ay nasa ilalim na ng General Community Quarantine o GCQ. Ito po ay nakapaloob sa ating Executive Order No. 19, Series of 2020, na nilagdaan ng ating mahal na punong lungsod Nestor L. Alvarez, Ph.D.

✅Ang quarantine pass ay papalitan na ng Public Market Pass na gagamitin upang makapasok at makapamili sa ating Pamilihang Bayan na susundin pa rin ang barangay clustering schedule. Ang public market pass ay maaaring makuha sa inyong mga punong barangay mula po sa Huwebes. Pansamantala ay gamitin muna ang ID at dating quarantine pass habang wala pa ang bagong public market pass.

✅Hindi na po kailangan ang Travel Pass kung kayo ay pupunta sa ibang bayan o lungsod sa loob ng ating lalawigan, Nueva Ecija. Ugaliin lamang pong dalin ang inyong ID sa tuwing kayo ay lalabas.

✅Kung kayo po ay lalabas ng ating probinsya o rehiyon at hindi kayo Authorized Persons Outside the Residence or APOR, kinakailangan nyo pong kumuha ng Travel Authority. Narito po ang proseso:

1. Pumunta sa inyong Punong Barangay upang kumuha ng Barangay Certification na kayo ay nakatapos ng 14-day quarantine at naglalaman kung ano ang inyong pakay sainyong pagbyahe na magsisilbing endorsement sa ating City Health Office para sa medical certificate o clearance

2. Ang City Health Office ay magsasagawa ng medical examination bago magbigay ng medical certificate o clearance.

3. Pagkakuha ng medical certificate o clearance ay magtungo sa ating Help Desk sa City Police Station para sa proseso ng pagkuha ng Travel Authority.

✅Ang liquor ban po ay tinatanggal na sa ating lungsod NGUNIT mahigpit na ipapatupad at susundin ang mga sumusunod:

1. Mahigpit na ipinagbabawal ang pag-inom ng inuming nakakalasing sa pampublikong lugar.

2. Ang pagbenta at pagbili ng inuming nakakalasing ay mula 1:00 – 5:00 lamang ng hapon kada araw.

3. Limitado lamang sa 1 litro para sa hard liquor, 2 litro para sa wine at 6 na bote/lata para sa beer ang maaaring bilhin ng isang nasa tamang gulang na indibidwal kada araw.

4. Ipinagbabawal din ang pag-inom ng grupo.Para sa mga katanungan at paglilinaw ay nasa loob po ng ating Executive Order o maaaring tumawag po sa ating mga hotline numbers.

Maraming salamat po!