Isang gift giving ang naganap sa Purok Parang, Barangay Maligaya at Purok Pugon, Linglingay kahapon, Disyembre 29, 2020. Ang programa ay itinaguyod ng Wag-Wag Club, Inc. Science City of Muñoz na pinamumunuan ni G. Ner B. Lagman, Presidente at ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Munoz sa pangunguna ng ating butihing Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D.
Kasama sa pamamahagi sina Gng. Myrna Rosario V. Lagman, ABC President Alexander Natividad, Konsehal Jerry S. Fulgencio, Konsehal Rodney S. Cabrera, dating Konsehal Vincent DV Alvarez, Gng. Mary Ann De Guzman, Rev. Pastor Felix Santua at iba pa.