Pinagpala ka Science City of Muñoz!

 Naganap po ang isang oryentasyon para sa mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD)  ng GP Partylist sa pamamagitan ng Department of Labor and Employment (DOLE)  nitong Disyembre 13, 2022 kung saan sila ay babayaran kapalit ng kanilang paglilinis ng ilang araw sa iba’t ibang bahagi ng ating mahal na lungsod. Pagkatapos ng nasabing oryentasyon ay ipinamahagi ang mga ID sa mga benepisyaryo.

 Maraming, maraming salamat po sa GP Partylist sa pangunguna ni Cong. GP Padiernos, kay Gov. Oyie Umali, Vice Gov. Anthony Umali at TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ sa inyong walang sawang pagmamahal at pagmamalasakit sa ating SCIENCE CITY OF MUÑOZ at mamamayan nito. Mabuhay po kayo!