Nakakagulat ngunit naggagandahang mga kulay ng fireworks display ang ating natunghayan kagabi, January 20, 2023 sa ating City Hall Grounds kung saan ang ating TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ ay nagpamigay ng popcorn sa mga kabataan kasama ang ating VICE MAYOR NESTOR L. ALVAREZ habang naghihitay ng ating pinakakaabangang GRAND FIREWORKS DISPLAY. Nakakatuwa, nakakaaliw at nakakamangha , ang saya talaga sa Muñoz mga kababayan!

Kahit hindi ka si Jopay ay “Kamusta ka na?” nakapanuod ka ba ng masayang VARIETY SHOW kagabi, January 20, 2023 kung saan pinasakit ni PEANUT at TOMBI ang ating mga tyan sa nakakatawa at pinamangha tayo ni TOMBI sa kanyang mga magagandang awitin? Talagang kilig na kilig ang ating mga kabataan at may pusong kabataan sa ating mga gwapong mga TikTok Hotties na sina Roniel “RJ” Absalud, Vincent Caringal at Jherald Castañeda. At higit sa lahat nakikanta po ba kayo ng “’Wag ka nang mawala (‘wag ka nang mawala) ‘Wag ka nang mawala (‘wag ka nang mawala) Ngayon! Dadalhin kita sa aming bahay, ‘Di tayo mag-aaway, Aalis tayo sa tunay na mundo” at nakisaya sa pinakahihintay ng lahat na banda, ang MAYONNAISE?

 Talagang naaliw din po ang lahat sa ating ipinagmamalaking mga Lokal Artists; ang Science City of Muñoz Hip-Hop Federation, Muñoz North Central School, Pinoy Extreme, San Antonio Integrated School, JR Online Movers, Binhilan Performing Arts Guild, Muñoz Identity at Unity Dance Company . Iba talaga ang galing ng mga taga Science City of Muñoz.

 Nag-enjoy po ang lahat?! Naganap ang programang ito dahil sa pagmamahal sa atin ng ating nag-iisang napakabait at masipag na TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ at VICE MAYOR NESTOR LAZARO ALVAREZ. Naguumapaw po ang aming pasasalamat sa lahat ng nakiisa at tumulong upang maging maayos at masaya ang ating pagdiriwang ng ating 10th UHAY Festival at 22nd Charter Anniversary lalo na sa ating City Tourism Office sa pangunguna ni Ms. Dyan Santos.