BUHAY INGATAN, DROGA’Y AYAWAN

 Sa Muñoz mahigpit na ipinagbabawal ang drogra!

Mga minamahal naming kababayan, sa pangunguna ng ating mapagmahal at mapagkalingang TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ ay isang masiglang paglulunsad ng kampanyang BUHAY INGATAN, DROGA’Y AYAWAN ang ginanap nitong Nobyembre 26, 2022 sa ating Pag-Asa Gymnasium kung saan ang mga dumalo at nakiisa ay nangako na taos-pusong maninindigang maging BIDA laban sa droga; makikilahok sa mga programa at inisyatiba ng kanilang barangay, simbahan at eskwelahan kotra illigal na droga at aanyayahan ang kanilang komunidad na makilahok rin; tatayo bilang tagapagtaguyod ng adbokasiyang kontra droga; at magiging kaagapay ng gobyerno ng Pilipinas sa paglutas ng mga sakit sa lipunan.

 Sinimulan ng UNITY WALK mula PNP Gym hanggang Pag-Asa Gym ang nasabing programa na siyang sinundan ng ZUMBA DANCE at Philippine National Anthem. Kasunod nito ay ang Invocation mula kay PASTOR ARIES R. GONZALES, Welcome Remarks at Call-to-Action naman ang mula kay Mr. Crismelito R. Catacutan, CLGOOVI na siyang sinundan ng BIDA Song/Dance na Life is Beautifiul. Statement of Support naman ang mula kina PLTCOL Norman C. Cacho, COP; Hon. Alexander Natividad, Lnb President; at iba pa. Isang nakakaindak na pangunahing mensahe ang nagmula sa ating TITA MAYORA BABY ARMI na siyang sinundan ng UNITY STATEMENT.

 Muli po mga kababayan, sa pangunguna ng ating TITA MAYORA BABY ARMI ay sama-sama nating suportahan ang kampanyang BUHAY INGATAN, DROGA’Y IWASAN dahil sa lungsod na DRUG-FREE ay makakapamuhay ka ng malaya ay masaya na may kapayapaan sa iyong isipan.