Matagumpay na naisagawa ngayong araw, Agosto 13, 2021 ang GRAND OPENING ng ating pinakaabangan na DIALYSIS CENTER ng Lungsod Agham ng Muñoz na matatagpuan sa Barangay Rizal, Science City of Muñoz.

Handang handa na po ang DIALYSIS CENTER na walang sawa at buong tiyagang pinagtuunan ng pansin ng Pamahalaan ng Lungsod Agham ng Muñoz sa pamumuno ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. katuwang ang Nueva Ecija Renal Center na maglingkod sa mga nangangailangan ng serbisyo nito. Tunay na kagalak galak ang ganitong balita.

Maraming salamat po kay Ptr. Julie Javillonar ng CLAIM  sa paghahandog niya ng isang napagandang panalangin para sa programa. Isang napakasiglang mensahe at pagbati naman po ang inihandog  nina Mr. Jomar Sayco ng Nueva Ecija Renal Center, San Jose, Mrs. Marilyn Tin, Board of Director at Mr. Matthew Tin, Executive Assistant. Isa din pong kagalak galak at puno ng inspirasyon na mensahe ang nagmula sa ating Super Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D., sa ating Hon. Micaela “Mikki” S. Violago- Representative ng 2nd District of Nueva Ecija at sa ating Senator Risa Hontiveros. Maraming salamat din po kay Mr. Jayromie Aromin na nagsilbing Master ng Seremonya para sa mahalagang araw na ito.

Ang simple ngunit masayang programa ay dinaluhan din nina Dr. Edwin Santiago, Development Officer V ng PDO Nueva Ecija, Dr. Mikko Wong,  Coun. Jerry S. Fulgencio, Coun. Rodney S. Cabrera, ABC President Alexander Natividad, Ms. Armi L. Alvarez, Former Coun. Edmond Balmeo, Engr. Armando Miranda, mga Department Head ng LGU Muñoz, mga kapitan ng 37 Barangays ng Lungsod Agham ng Muñoz at iba pang bisita na hindi nabanggit.

Mga minamahal naming Muñozonians, ang proyektong ito ng Pamahalaan ng Science City of Muñoz AY AMING INIHAHANDOG SA INYO NG BUONG PUSO AT WALANG ALINLANGAN.  Sulong pa Science City of Muñoz!

#NaglilingkodngLubosatmayAksyon
#ALagangAlvarez
#TatakAlvarez
#SerbisyongHandog
#KapayapaanKatahimikanKaayusan