Mga kababayan, malugod po naming ibinabalita sa inyong lahat na nitong January 5, 2023 ay naganap po ang Ground Breaking Ceremony para sa pagsasagawa ng Iminungkahing Elevated Steel Water Tank sa Barangay Bantug, Science City of Muñoz.

 Ang pagsuporta po ng ating minamahal at napakasipag na TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ sa proyektong ito ay ganap at puspos. Ikinagagalak din po niya na naging bahagi siya ng makabuluhang programang ito kung saan nakasama niya sina Hon. Eric P. Santiago, Brgy. Bantug Chairman; Engr. Rogelio L. Miguel, General Manager ng Muñoz Water District; Engr. John Jordan F. Cardenas, Branch Manager ng Prime Water Muñoz, Engr. Renato C. Vergara, Acting-Chairman of the Board ng Muñoz Water District, Mr. Aris Ballesteros, Operations Head ng Tarlac/Nueva Ecija Cluster, Engr. Shaly S. Lopez, Branch Manager ng Prime Water Cabanatuan; at iba pa.

 Bagong taon ngunit patuloy ang pagtutulungan at pagkakaisa patungo sa masaya at masaganang kinabukasan! Mabuhay po ang lahat!