Groundbreaking of AMDPC at Ika-44 anibersaryo ng PhilMech Isang groundbreaking ceremony ng Agricultural Mechanization Design and Prototyping Center (AMDPC) ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) ang naganap nitong Mayo 25, 2022 na siyang dinaluhan ng ating Mayor-elect Armi L. Alvarez.

 Kasunod ng nasabing groundbreaking ceremony ay naganap ang programa ng pagdiriwang ng kanilang ika-44 na anibersaryo kung saan nagbigay ng mensahe para sa anibersaryo sina MR. DIONISIO G. ALVINDIA, Ph.D., PhilMech Director IV; MR. KIM EUNSUB, Country Director IV at  si MR. RONALDO SEBASTIAN R. REYES, PhilMech Deputy Director. Nagpaabot din ng mensahe sa pamamagitan ng isang video sina SEC. WILLIAM D. DAR, Ph.D., Department of Agriculture at SEN CYNTHIA A. VILLAR, Senate Committee on Food and Agriculture.

 Binabati po namin ang ahensya ng PhilMech ng maligayang ika-44 na anibersaryo. Walang kapantay po ang suporta ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod Agham ng Muñoz sa pamumuno ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D at ng ating bagong halal na si Mayor- Elect Armi L. Alvarez sa ating mga ahensya ng gobyerno. Mabuhay po kayo!