Isang gabing kasiyahang muli o Guardians Night ang ginanap noong January 15, 2020 sa PNP Gymnasium.

Nagsama-sama upang magsaya ang mga miyembro ng UGBI, GLFEI, NGI, PGDI, GITC, GPII, PGBI, GDBI, GFBI at RAM.

Pinangunahan ni Mr. Alvin “Obnib” Martin ang panalangin sa programa. Nagbigay naman ng pambungad na mensahe si Engr. Armando “Amo” Santos, Jr – President, United Guardians of Muñoz. Si Mr. Rogelio “Roger” Bernabe ang nanguna sa pag-awit ng Guardians Hymn at si Mr. Rogelio “Roger” Duldulao – Vice President – Internal, United Guardians of Muñoz naman ang nagbigay ng pangwakas na mensahe.

Dumalo rin sa nasabing programa sina Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D, Coun. Rodney S. Cabrera kasama si Coun. Jerry S. Fulgencio.

Nagkaroon rin ng mga raffle prizes katulad ng mountain bikes, refrigerator, washing machine at Flat Screen LED TV.