Walang sawang nagbigay kasiyahan ang Muñoz Gay and Hairdressers Inc. sa pangunguna ng kanilang Presidente na si Mr. Hanz Olivar kasama ang Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating napakabait, mapagmahal at aktibong TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ kasama ang kanyang kapatid na si VICE MAYOR NESTOR LAZARO ALVAREZ, Ph.D.  sa ating mga taga lungsod.

 Nasindak po ba ang lahat sa galing ng ating mga mananayaw mula sa iba’t ibang lugar na nagtanghal sa naganap na Halloween Dance Party nitong Nobyemre 1, 2022 sa ating Pag-Asa Gymnasium. Talaga nga naman pong nahirapan ang ating mga Board of Judges at Tabulators sa pagtatanghal ng mananalo sapagkat lahat ng mga grupo ay talaga nga namang nakakamangha, nakakapangilabot at nakakaindak ang galing at konsepto ng kanilang pagtatanghal.

Ang mga premyong natanggap ng mga nagwagi ay mula sa puso ng ating butihing TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ at VICE MAYOR NESTOR LAZARO ALVAREZ, Ph.D. at dahil sa ipinakitang galing ng mga mananayaw ay mula Php 10,000 para sa Champion ay ginawa nilang tumatagingting na Php 20,000.00

 Binabati po namin ang mga nagwagi sa nasabing Halloween Dance Party:

CHAMPION
• RFK New Version
 mula sa Cainta, Rizal
 Trophy at Php 20,000.00

1st Runner Up
• Amazing Turbo
 mula Cavite City
 Trophy at Php 8,000.00

2nd Runner Up
• Fresh Image
 mula sa Mariveles, Bataan
 Trophy at Php 6,000

3rd Runner Up
• New Breedz
 Mula Muntinlupa
 Trophy at Php 4,000

4th Runner Up
• Unity
 mula sa Science City of Muñoz
 Php 2,000

BEST IN COSTUME
• Amazing Turbo
 mula Cavity City
 Php 2,000

Samantala dahil lubos na naaliw ang ating TITA MAYORA BABY ARMI AT VICE MAYOR NESTOR sa mga kamangha manghang pagtatanghal ay naghandog sila ng Php 2,000 bawat grupo bilang Consolation Prize.

• Fingy Extreme mula Bantug, Science City of Muñoz
• Be Real mula San Jose City
• Extreme Soul Batang Basura mula sa Binangonan, Rizal
• Big Shock mula Cabanatuan City
• AMT Crew mula Batangas City
• Muñoz Identity mula Science City of Muñoz
• Annex Dance Troupe mula Science City of Muñoz

Hindi po matutumbasan ng kahit anong salita ang aming pasasalamat sa lahat ng nag-sponsor, nakiisa, dumalo at nakilahok sa masayang programang ito. Talaga nga namang antig na antig ang ating TITA MAYORA na makita ang saya ng kaniyang mga kababayan. Mabuhay po ang lahat.