DALAWANG UNIT PO NG HAND TRACTOR WITH COMPLETE ACCESSORIES ang ipinagkaloob ng ating Lokal na Pamahalaan para sa ating Cabisuculan Mushroom Centre. Batid ng ating Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D., ang kahalagahan at ang malaking tulong nito para sa ating mga empleyado sa Mushroom Centre

Hindi na po bago sa atin ang problemang pangkabuhayan lalo na ngayong may pandemya, kaya’t sinisikap po ng ating Punong Lungsod na MAKAPAGHATID NG KAGINHAWAAN AT KASAGUTAN para sa BAWAT URI NG SULIRANIN na mayroon sa ating lungsod. Maraming salamat po kay Brgy. Capt. Benjie L. Cara ng Cabisuculan at sa DA Muñoz para sa inyong pagpupursigi at dedikasyon na maidulog sa ating tanggapan ang inyong kahilingan. Hindi po kayo bibiguin ng inyong Pamahalaang Lokal. Dito sa SCM, pati inyong pangkabuhayan, gagawan po natin ng paraan!

#NaglilingkodngLubosatmayAksyon
#ALagangAlvarez
#TatakAlvarez
#SerbisyongHandog
#KapayapaanKatahimikanKaayusan