Sa pansamantalang pagsasara ng ating pampublikong palengke, batid ng pamahalaan na hindi naging sapat ang kita ng ating mga manininda. Kung kaya’t sa kabutihang loob ng ating Lokal na Pamahalaan sa paghahangad ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D., na makatulong at makapagbigay ngiti sa ating magigiting na manininda ay naisagawa ang pamamahagi ng food packs at face shield.

Mga kababayan, pasalamatan po natin ang ating mga frontliner sa pampublikong palengke. Ang kanilang sakripisyo at serbisyo ay isa sa mga pangunahing rason kung bakit tayo ay ligtas sa gitna ng pandemya. Manatili po tayong alerto at may alam laban sa pandemyang Covid-19. Masunuring mamamayan para sa isang ligtas na bayan!

BUKAS NA PO ANG ATING PAMILIHAN, BILI NA MGA SUKI!

#NaglilingkodngLubosatmayAksyon
#ALagangAlvarez
#TatakAlvarez
#SerbisyongHandog
#KapayapaanKatahimikanKaayusan