Mabuhay G. HERMISANTO! Isa kang tunay na inspirasyon sa larangan ng sining.

 Ang Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating masipag, aktibo at mapagmahal na TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ ay nagagalak sa inyong mainit na pagbisita at pagmasid sa mga naggagandahan at makabuluhang sining na gawa ng mga magagaling at magigiting na mamamayan ng ating mahal na lungsod.

 Mula noong 2007, nagsimula si Mr. HERMISANTO na gumamit ng butil ng bigas bilang bahagi ng kanyang paggawa ng sining sa pagpipinta at mga installation art. Naniniwala siya na ang bigas ang tunay na diwa ng isang pagiging Asyano. Dahil sa malawakang paggamit ng butil ng bigas sa kanyang sining kaya siya ang nangungunang rice artist sa Asya.

 Bilang isang LUNGSOD NG SINING AT AGHAM ay sama-sama po nating tangkilikin, linangin at mas palaguin ang iba’t ibang talento ng ating minamahal na mga kababayan. Sapagkat tulad ng sining ni Mr. Hermisanto, ang canvas ay ang ating mahal na lungsod at ang ating mga mamamayan ang tila butil ng palay na siyang nagpapaganda at nagpapaunlad dito.

 Isulong Sining at Agham!