Dumating ang 10 yunit ng Hemodialysis Machines with Manuals, 10 Accessory Set Dialog, 2 Automated REPRO Machine w/ DM, 1 Inbody S10 Body Composition Analyzer, 10 Option ABPM Dialog+ SW9, 11 Automatic Voltage Regulator 3000W at 10 Option DF-F SW9 nitong Marso 5, 2021 para sa nalalapit na pagbubukas ng Science City Dialysis Center sa Barangay Rizal, Science City of Muñoz.

 Ang mga naturang kagamitan na handog  sa Lokal na Pamahalaan ng Muñoz na pinamumunuan ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. ay nagmula sa  Department of Health sa pamamagitan ni DR. LEONITA P. GORGOLON, MHA, MCHM, CEO VI, Director IV ng Health Facilities Enhancement Program Management Office.

 Ayon kay Engr. Armando Miranda, lubos na makakatulong ang mga kagamitang ito sa mga mamamayan ng lungsod at sa mga karatig bayan nito upang hindi na din dumayo pa ang ating mga kababayan.

#ALagangAlvarez
#TatakALVAREZ
#SerbisyongHandog