“Kumukuti-kutitap, bumubusi-busilak, Ganyan ang indak ng mga bombilya” pati na din ang mga FIREWORKS sa naganap na Himig ng Pasko Para sa Inyo 2022-A Christmas Special Concert and Grand Fireworks Display featuring THE PHILIPPINE MADRIGAL SINGERS with special participation of Jorby Cimafranca, Vocalist, PPO Brass Quintet, Nightingales, CLSU Maestro Singers and Selected Artists nitong Disyembre 12, 2022 sa ating City Hall Ground.

 Lahat po ba ay nakiindak at nakinig sa naggagandahang musika at pagtatanghal ng ating magagaling na artists. Aliw na aliw sa pakikinig ang ating TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ at VICE MAYOR NESTOR LAZARO ALVAREZ at tila nagniningning ang kanilang mga mata habang tinitignan ang kanilang mga mamamayan na nasisiyahan din sa naganap na HIMIG NG PASKO PARA SA INYO 2022.

 Nag-enjoy po ba ang lahat? Pagkatapos ng ilang taon ay nandito pong muli at nagsasaya ang ating lungsod at kitang kita ang ating pagbangon mula sa pandemya. Science City of Muñoz! Isang lungsod ng SINING AT AGHAM!