Binabati po ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ni MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ si MS. NICOLE DAINE SALVADOR, Grade 9 level na kasalukuyang nag-aaral sa Muñoz National High School- Main, Special Program in Science, sa kanyang pagkapanalo ng karangalang “SILVER AWARD” sa Hong Kong International Mathematical Olympiad – Heat Round. Ang ating awardee ay muling makikipagtunggali sa Hong Kong International Mathematical Olympiad – Final Round na gaganapin sa Agosto 28, 2022.

Ang patimpalak ay dadaluhan ng mga piling mag-aaral ng bawat rehiyon ng ating bansa at ng mga bansa sa Asya at Europa, kabilang na ang Cambodia, Singapore, Laos, Hong Kong, Thailand, Malaysia, Indonesia, India, at iba pa.

 Binabati din po ng pamahalaan si MS. HANNAH MARIE SALVADOR na mag-aaral ng Muñoz Central School sa kanyang tagumpay sa THAILAND INTERNATIONAL MATHEMATICAL OLYMPIAD.

 Proud Muñozonian tayo!