Unti-unti ngunit malaki ang usad ng ating HOUSE RENOVATION na siyang patuloy na pinagpupursigihan ng ating TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ.

Dalawang bahay sa Brgy Gabaldon at isang bahay sa Brgy Calisitan ang natapos na po sa ating “House Rehabilitation” Project. Asahan po ninyo na tuloy tuloy ang proyektong ito sapagkat layunin ng ating MAYORA na lahat ng bahay sa ating lungsod ay maayos at matiwasay na matitirahan ng ating mga kababayan.

Muli po ay nagpapasalamat po kami sa Science City of Muñoz sa SCIENCE CITY OF MUÑOZ KAMANDAG EAGELS CLUB na siyang ng-isponsor sa pagpapayos ng dalawang (2) bahay sa Brgy Gabaldon.

Sa mga mabubuting puso po na nais din pong maghandog ng tulong sa pagpapaayos ng mga bahay sa ating lungsod na nangangailan ng pagsasaayos ay bukas po ang tanggapan ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz.

Isang matibay na pagkakaisa patungo sa minimithi nating lahat na patuloy na mas maunlad na lungsod. Tulongtulong, samasama!