Mula sa pagpupursigi ng ating minamahal na TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ ay sinimulan po ang isa sa kanyang mga PRAYORIDAD para sa ating mamamayan, ang “House Rehabilitation” o pagsasaayos ng mga bahay na nasalanta ng bagyo, mga bahay na hindi matatag at mga bahay na lubos na kinakailangan ng pagsasaayos.
Labintatlong (13) kabahayan sa Barangay Pob. North, Catalanacan at Rang-Ayan ang sinisimulan na para sa unti-unting pagsasaayos kung saan ang mga bahay na ito ay pinatunayan ng Pamahalaang Barangay na nangangailangan ng pagsasaayos.
Taos puso po ang pasasalamat ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa SCIENCE CITY OF MUÑOZ KAMANDAG EAGELS CLUB kung saan miyembro ang ating mahal na MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ at VICE MAYOR NESTOR LAZARO ALVAREZ sa kanilang pag-iisponsor sa pagpapaayos ng 2 bahay sa Barangay Gabaldon.
Nananawagan po kami sa mga bukal ang pusong nais mag-isponsor o magbahagi ng tulong para sa programang ito. Sama-sama, tulong-tulong sa lungsod nating mahal at mga mamamayan nito.
