Huling araw na po mga kababayan ng ating National Vaccination Day ngayong Miyerkules, Disyembre 1, 2021! Nakapagpabakuna na po ba ang lahat?!

 Matagumpay na nagtapos ang ating National Vaccination Day sa lahat ng Barangay ng ating lungsod sa kani kanilang itinalagang vaccination area. Muli po ay lubos ang pasasalamat ng Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. sa lahat ng tumulong at nakiisa sa ating NATIONAL VACCINATION DAY. Mabuhay po tayong lahat.

 Ligtas ang bayan kung bakunado ang mamayan! Sama sama po nating sugpuin ang sakit na Covid-19!