“100 taong biyaya: Hamon sa Pagsasabuhay ng Misyon at Pagdamay sa Kapwa”

Isang malugod na pagbati po ng maligayang ika-100 taong anibersaryo ng pagkakakatatag  ng Parokya ni San Sebastian Martyr mula sa Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D.

Sa tulong at pagkakaisa ng mga nagsisilbi sa San Sebastian Parish, mga opisyal ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz at ng ating mga mamamayan ay ginanap ang simpleng selebrasyon nitong Pebrero 10, 2022 upang bigyang pugay ang pagkakatatag ng Parokya ni San Sebastian Martyr sa ating lungsod.

Mabuhay ka San Sebastian Martyr!  Idalangin mo kami, iligtas sa pighati, sa lahat ng kagipitan. Mabuhay po tayong lahat!