Isang maligayang pagbati po mula sa Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ at ng ating VICE MAYOR NESTOR LAZARO ALVAREZ, Ph.D. sa Science City of Muñoz Association of Retired Teachers (SMART) sa inyong pagdiriwang ng  ika-33 taon na anibersaryo nitong Agosto 26,2022.

Ang inyong kadakilaan mula noon ay aming pinapahalagahan at kinikilala sapagkat kayo ang nagturo sa ating mga mag-aaral at humubog sa kanila upang maging matagumpay sila ngayon. Kayo din po ang isa sa dahilan sa aming mga pangarap na aming naabot. Kaya muli po kaming nagpapasalamat sa inyo at sa lahat ng guro sa ating lungsod.

Walang doctor, nurse, engineer at iba pa kung wala ang mga minamahal nating guro. Kaya sama sama po tayo mga kababayan na bigyang pugay ang mga magigiting nating guro na siyang dahilan kung bakit tayo SMART ngayon! Mabuhay!