Nagdaos ng misa ang Parokya ni San Sebastian ng Diosesis ng San Jose, Nueva Ecija sa ika 99 taong kapistahan ng Mahal na Patron San Sebatian Martir. Ito ay may temang “Yamang Tayo’y Pinagpala, Maging Daluyan Din Nawa Tayo ng Pagpapala”. Pinangunahan ito nina Lub. Kgg. Roberto C. Mallari, D.D., Obispo ng Diyosesis ng San Jose, Nueva Ecija at Punong Tagapagdiwang, Reb. P. Ariel Capuyon, Rb. P. Nestor E. Romano, Reb. P. Menardo Natividad at iba pa.

Ang naturang pagdaraos ay ginanap kahapon, Enero 20, 2021. Ang mga tigapagtaguyod sa pagdiriwang ay ang mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pangunguna ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D., BDO, PNB, BFP, DENR, PNP at lahat ng Barangay kasama ang kanikanilang Barangay Pastoral Council.

Ayon sa alamat, isa siyang opisyal ng mga guwardiyang imperiyal na pinasalang sa pamamagitan ng mga pana o palaso pagkaraang matuklasan na isa siyang Kristiyano. Kaya’t kalimitan siyang nilalarawan sa sining at panitikan na nakagapos sa isang poste at pinatamaan ng mga pana. Dahil sa pambihirang kalikasan ng kanyang pagkamartir, karaniwan siyang itinuturing bilang dalawang ulit na naging martir. (https://tl.wikipedia.org/wiki/San_Sebastian)