Congratulations! Malugod na Pagbati! Complimenti! Gratulerer! Chukahaeyo! Félicitations! Parabéns!

 Hindi sapat ang salita upang ipahayag ang kaligayahan sa inyong pagkapanalo! Naganap ang Inaugural Ceremony of Elected Officials 2022-2025 nitong June 29, 2022 sa ating Pag-Asa Gymnasium. Lubos at walang kapantay ang mga ngiting ating natunghayan sa ating mga bagong halal na sina:

KGG. ARMI LAZARO ALVAREZ
City Mayor

KGG.  NESTOR LAZARO ALVAREZ, Ph.D.
City Vice Mayor

Councilors:

KGG. JERRY S. FULGENCIO
KGG. ALLAN S. PINGOL
KGG. VINCENT DV ALVAREZ
KGG. EDMOND J. BALMEO
KGG. ROMEO A. RUIZ
KGG. JOSE A. RUIZ, JR.
KGG. HERMINIO F. SALCEDO
KGG. HENRY G. AGALOOS
KGG. ROMMEL G. ABON
KGG. ALTREB S. CASTAÑEDA

 Ang programa ay sinimulan ng isang pinagpalang misa sa ating San Sebastian Parish Church, at ito ay sinundan ng programa sa pagpapasinaya ng mga nahalal na opisyal sa Pag-Asa Gymnasium. Nagsimula ang programa sa isang Panalangin at kasunod  nito ang  Pambansang Awit, Muñoz Hymn, Pambungad na Pananalita mula sa ating Kgg. Rodney S. Cabrera, Pampasiglang Bilang mula sa ating BINHILAN PERFORMING ARTS GUILD, Panunumpa sa Katungkulan ng mga Halal na Konsehal ng Science City Muñoz sa pangunguna ni Judge Zamita Mationg, Pampasiglang Bilang mula sa Bungkos Palay Dance Company, Panunumpa sa Katungkulan ng mga Halal na Pangalawang Punong Lungsod ng Science City Muñoz, Pagsalin ng Katungkulan, Panunumpa sa Katungkulan ng Halal na Punong Lungsod ng Science City Muñoz, Talumpati ng Punong Lungsod, Pampasiglang Bilang mula kay DULCE, at nagtapos sa isang Pangwakas na Pananalita mula kay Mr. Crismelito R. Catacutan.

 Maraming salamat sa lahat ng nakiisa sa ating nakakagalak na programang ito.

 Naganap din ang Inaugural Program para sa Provincial Government nitong Hunyo 28, 2022.

Sama-sama sa patuloy na pagunlad ng ating mahal na bayan. Walang iwanan sa bayang nagmamahalan!