“Kabataan ang pag-asa ng bayan”- Dr. Jose Rizal. Buong pusong naniniwala ang ating butihing TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ sa mga katagang ito kaya walang sawang nakikipagtulungan ang Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa ating Muñoz National School at sa ating DepEd Division Office sa pangunguna ni Schools Division Superintendent Dr. Dante G. Parungao, CESO V para sa patuloy na ikabubuti at mas ikabubuti ng ating mga mag-aaral.

 Nitong Nobyembre 2, 2022 ay naganap ang Induction of School Governing Council (SGC) and School Parent-Teachers Association (SPTA) Officers sa MNHS Conference Room. Sila ay nanumpa na gagampanan ng buong husay ang itinalaga sakanilang katungkulan. Narito po ang ating mga officers at members:

SCHOOL GOVERNING COUNCIL OFFICERS

School Head, Chairperson
Ricardo R. Acosta, Designated Vice Chairperson
Danilo H. Hipolito, Elected Vice Chairperson
Menardo Q. Fajarado, Secretary
Ramjo Umali, SPTA President
Lourdes Mendoza, FSO President

COUNCIL MEMBERS

Renato Adrada
Jerlyn Stephanie Pangan
Pastor Julie Javillonar
Brgy. Captain Eric Santiago
Councilor Baltazar Poli

SCHOOL PARENT-TEACHER ASSOCIATION OFFICERS

Ramjo Umali, Chairperson
Daniel Delfin, Vice Chairperson
Lovely Shayne B. Dela Cruz, Secretary
Luzviminda Villanueva, Treasurer
Benedicto Fuertes, Auditor
Lourdes P. Mendoza, Teachers Representative

 Binuo ang council na ito upang ang iba’t ibang sangay sa loob at labas ng paaralan ay magkaroon ng bahagian ng ideya para sa mga maaring maging programa para sa ating mga minamahal na mag-aaral at sa ating paaralan.

 Binabati po ng pamahalaan ang lahat ng opisyal at miyembro ng School Governing Council (SGC) at School Parent-Teachers Association (SPTA) Officers. Umaasa po ang ating TITA MAYORA BABY ARMI sa isang matibay na pagkakaisa para sa maganda at masayang kinabukasan ng ating mga kabataan. Sa abot naman po ng kaniyang makakaya ay tutulungan at gagabayan niya ang paaralaan, principal, department heads, mga guro at mga mag-aaral para sa iasang masagana, masaya at tahimik na lungsod at para sa isang kanais nais na kinabukasan para sa kabataan ng ating lungsod.