Ayon sa 2021 annual budget ng Science City of Muñoz, may inisyal na 40,000 doses na alokasyon ng COVID-19 vaccine ang Lokal na Pamahalaan at plano itong dagdagan upang punan ang kabuuang bilang ng maaring bakunahan sa lungsod.

Nilahukan ng Science City of Muñoz COVID-19 Vaccine Taskforce (SCM-CoVac-TF) sa panguguna ni Mayor Nestor L. Alavarez, Ph.D. ang ginanap na Video Conference tungkol sa COVID-19 Vaccine kahapon January 12, 2020 ng League of Cities of the Philippines (LCP) kasama sina National Task Force (NTF) against COVID-19 chief implementer and “vaccine czar” Sec. Carlito G. Galvez, Jr. at Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric D. Domingo, MD.

Sa rekomendasyon ng taskforce, prayoridad ng pamahalaang panlungsod na makabili ng bakuna mula sa Oxford-AstraZeneca (UK) at CoVax (US-India).

Sa pamamagitan ng Executive Order No. 1 series of 2021 ipinag-utos din ni Mayor Nestor L. Alvarez ang pag sisimula ng training ng COVID-19 Vaccinators sa ating lungsod at profiling ng mga babakunahan sa pamamagitan ng QR Code.