“LIGA ng PAG-ASA at PAGKAKAISA”

 Noong nagkapandemya ay maraming nagbago sa ating mga nakasanayan. Ang ating mga galaw ay naging limitado at tila tayo’y nawalan ng kalayaan, ngunit ngayong 2022 ay unti-unti ng nakakabangon ang Pilipinas sa pagkakalugmok sa Pandemyang Covid-19. Mga kababayan, ano man ang dumating sa atin ay mananatili ang saya sa puso ng mga Pinoy.

 Namiss po ba natin ang Liga? Kung oo ay huwag na po tayong mag alala sapagkat nitong Abril 23, 2022 ay opisyal ng binuksan ang SCIENCE CITY OF MUÑOZ – INTER-BARANGAY BASKETBALL LEAGUE 2022 sa pangunguna ng Sangguniang Kabataan Federation of the Science City of Muñoz sa pamumuno ni Mr.  Ay-mand Kaylle A. Miranda kasama ang Local Youth Development Office (LYDO) sa pamumuno ni Mr. Jonas Rigos at sa gabay ng Pamahalaan ng Lugsod Agham ng Muñoz sa pamumuno ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D.

 Maganda po ang mga ganitong aktibidad sa ating mga kabataan upang mapalakas ang kanilang mga panganagtawan at ang kanilang pakikitungo sa kanilang kapwa (Social Skills) ay mapagbuti.

 Huwag pa din po nating kakalimutan ang pagsunod sa ating minimum health protocol upang tuluyan na po ang paggaling ng ating bansa laban sa Pandemyang Covid-19.