“ Sa Pag-iwas sa Sunog Hindi ka Nag-iisa”

 Ginanap ang BARANGAY FIRE OLYMPICS 2022 “Battle of the Champions” bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Barangay Fire Brigade Month nitong Agosto 25, 2022 sa Brgy. Catalanacan, Science City of Muñoz. Ito ay sa pangunguna ng ating Bureau of Fire Protection-Muñoz Station sa pamumuno ni SINSP Catalino M. Valdez Jr., Acting City Fire Marshal.

 Ang mga barangay na nagtunggali at nagpakita ng kanilang mga galing at gilas ay ang Barangay Bagong Sikat, Calisitan, Linglingay, Maligaya, Rizal, San Antonio at Villa Nati. Ang kahalaghan ng aktibidad na ito ay upang mas mapaghusay at ma-refresh ang kasanayan at kakayahan sa paglaban sa sunog, kamalayan sa kaligtasan ng publiko at mga hakbang upang  makaligtas sa sunog bilang bahagi ng kampanya ng BFP kung saan ang mga basic firefighting skills ay  naituro na dati sa mga kalahok sa Olympics.

 Sa pangunguna ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating aktibong MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ ay malugod po naming binabati ang Barangay BAGONG SIKAT sa inyong pagkapanalo bilang Champion, Brgy. CALISITAN bilang 1st Runner Up at Brgy. LINGLINGAY bilang 2nd Runner Up. Malugod na pagbati din po sa muse ng Brgy. LINGLINGAY na nagwagi sa ating Miss Inter-Barangay  Fire Olympics 2022. Gamitin po natin ang mga kaalamang ito upang makatulong sa ating minamahal na lungsod at sa mga mamamayan nito! Mabuhay po ang lahat!

 Nagpapasalamat po ang  pamahalaan sa mga dumalo at nakiisa sa nasabing programa, kabilang dito sina SFO1 Maureen Joy M. Agustin; FO1 Austine Arabel M. Gutierrez; FO2 April M. Tapadera; FO1 Vanessa A. Ramos; FO1 Jose Cecilio T. Mayor; CINSP Christopher  U. Lumiwes, Acting Provincial Fire Marshal; SINSP Melissa Perez, Fire Marshal of Guimba; CINSP Jose G. Lising, City Fire Marshal of San Jose City; Renee Nadine Baniqued, kinatawan ni Engr. Joey Correa ng CDRRMO; SINSP Leocerio D. Barayuga III at iba pa.

 Para sa mga hindi inaasahang sakuna ay maaari po tayong tumawag sa mga sumusunod:

National Emergency Hotline: 911

Science City of Muñoz Fire Station Hotline: 0922-735-9848