Lubos po ang pakikiramay ng Pamahalaan ng Lungsod Agham ng Muñoz na pinamumunuan ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D., sa pamilya ng binatilyong nalunod nitong April 2, 2021 sa irigasyon ng Barangay Linglingay(Head Gate Lateral D -Super Diversion Canal (SDC)).

Sa pakikipagtulungan nina Engr. Armando E. Miranda, SCM City Disaster Risk Reduction Management (CDRRM) Rescue Team, National Irrigation Administration, Pulisya ng Muñoz, mga Coast Guard mula sa Baler, Aurora, mga opisyal at tanod ng Barangay Linglingay at Barangay Bantug,  at ng Deltans Volunteer Rescue ng Lupao (Pinsal Base) ay natagpuan ang binatilyo sa irigasyon ng Barangay Rang-ayan (After 1st Gate of Lateral E-Before Head Gate Lateral E1) nitong Abril 5, 2021.

Sana’y magsilbi itong aral sa mga kabataan at sa mga magulang. Ang aksidente ay walang pinipiling tao at pagkakataon kaya’t mas mabuting tayo ay magdoble-ingat. Hiling po ng aming tanggapan ang kaligtasan ng lahat ng mamamayan ng Science City of Munoz. Ipagdasal po natin ang kaluluwa ng namayapang binatilyo, gayundin ang kanyang pamilya.