Nag courtesy call ang ating Kabalikat Civicom kahapon, Enero 19, 2022 sa ating butihing Mayor Nestor L. Alvarez,Ph.D. Katuwang nito ay naganap din ang oath taking ng kanilang mga miyembro kung saan sila ay nangakong gagampanan sa abot ng kanilang makakaya ang kanilang mga itinakdang tungkulin.

Naghandog din ang Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ni Mayor Nestor L. Alvarez,Ph.D. ng mga uniform sa nasabing samahan at radio repeater system na maaring magamit ng ating City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO), PNP Muñoz at ng ating Kabalikat Civicom upang maging mas madali ang kanilang kumunikasyon sa mga rescue operation at iba pang operasyon sa ating lugar.

Pagkatapos ng mga ito ay pinagtibay ang partnership ng Kabalikat Civicom at ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz kung saan ang samahan ay handang tumulong at makiisa sa mga operasyon ng ating lungsod at mga serbisyong kinakailangan ang kanilang tulong.

Lubos po ang pasasalamat ng pamahalaan sa inyong dedikasyon sa pagtulong sa ating mga kababayan. Mabuhay po kayo!

Para po sa mga emergency ay maari po tayong tumawag gamit ang two way radio sa 146.270 .

Kapit bisig, tulong tulong sa lahat ng sakuna! Yan ang mga Muñozonian talaga!