Lahat po ba ng dumalong kabataan sa ating naganap na KABATAAN NIGHT 2023 ay nag enjoy kagabi, January 7, 2023? Pagkatapos ng ilang taon ay heto at nagkaroong muli ng isang gabi na para sa ating mga minamahal na kabataan.

 Lahat ay umindak at nagsaya dahil sa kabila ng pandemya ay hetong muling namamayagpag ang ating mga kabataan. G na G talaga ang ating BATANG BATA sa puso na TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ sa kahit ano basta para sa kaniyang mamamayan at lungsod agham. Walang kapantay na pagmamahal at pagsuporta ang kaniyang hatid sa ating mga kabataan.

 Binabati po natin ang mga masuswerte nating mga kabataan na nanalo sa raffle draw ng Android Phone at Laptop. Nag-enjoy na nanalo pa! The best talaga ang handog ng ating TITA MAYORA BABY ARMI at VICE MAYOR NESTOR LAZARO ALVAREZ.

 Dumalo at nakiindak din po sa ating masayang programa sina ABC Alexander Natividad, Coun. Vincent DV. Alvarez, Coun. Jerry S. Fulgencio at Former Coun. Rodney S. Cabrera.

 Binigyang pagkilala din ang ating mga nagpipitagang candidates ng MUTYA NG LUNGSOD AGHAM NG MUÑOZ at ang ating INTER-TOWN PLAYERS. Mas pagbutihin pa po ninyo at patuloy po kayong maging mabuting ehemplo at inspirasyon sa inyong mga kapwa kabataan.