Lubos pong ikinagagalak ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ni MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ ang pagbisita ni Coun. John Calvin Canlas Sardia ng Concepcion, Tarlac na siyang opisyal na kinatawan ni Congressman Ron P. Salo ng KABAYAN PARTYLIST nitong Oktubre 17, 2022.

Hindi maipahayag sa pamamagitan ng mga salita ang pasasalamat ng pamahalaan sa handog na donasyon ng KABAYAN Partylist para sa taong 2023 sa ating lungsod na 12M Super Health Center kung saan ang 10M ay mapupunta sa Infrastructure at 2M para sa medical equipment.

Salamat po sa inyong pagmamalasakit sa aming mahal na lungsod at sa mga mamamayan nito. Mabuhay po kayo.