Isang mapagpalang donasyon ng 58 na 25 kilos o kalahating kaban ng bigas mula sa Muñoz Water District sa pangunguna nina General Manager Engr. Rogelio L. Miguel, Mr. Egay Dela Cruz, Mrs. Marietta Recometa at ni Mr. Christopher Ryan Sison ang tinanggap ng Lungsod Agham ng Muñoz sa pangunguna ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D.

Samantalang ang Central Luzon State University ay nag donate ng 2000 na duck eggs para sa ating mga bayaning frontliners na walang sawa sa pagbibigay serbisyo sa ating lungsod na masiguradong ligtas ang mamamayan nito.

Sa kabilang bahagi mula naman kay Mrs. Teresita Ventura ang mga face shields na maaring magamit ng mga frontliners upang maprotektahan ang kanilang sarili sa Covid-19.

Muli ang taos pusong pasasalamat ni Mayor Nestor L. Alvarez,Ph.D. sa mga walang sawang tumutulong sa ating mga mamamayan at mga frontliners. Ang kanilang patuloy na pagtulong ay maituturing ding isang kabayanihan. Patuloy tayong magtutulong tulong tungo sa kaligtasan ng ating lungsod.