Ikinararangal kita lungsod kong mahal!

 Isang mapagpalang lunes po mga kababayan! Talaga nga naman pong pinagpala ang ating lungsod sapagkat ginawaran po ang ating Lokal na Pamahalaan sa pamumuno ng ating MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ bilang pang lima (5th PLACEC) sa PINAKAMARINGAL NA PAMILIHANG BAYAN SA LALAWIGAN NG NUEVA ECIJA para sa patuloy na pagpapatupad at pagsuporta sa patuloy na adhikain na magbigay ng malinis at maayos na pampublikong pamilihan, kabilang dito ang ang pag-install ng Timbangan ng Bayan, Price Watch Board, Consumer Welfare Desk, pagsunod sa mga batas sa patas na kalakalan at pagsunod sa minimum public health standards para sa kapakinabangan ng mga mamimili.

 Lubos po naming binabati ang ating City Public Market sa pangunguna ni Ms. Janette DC. Rubin sa inyong walang sawang pagpapatupad ng mga batas at pangangasiwa sa ating pamilihan.

 Binabati din po namin ang City Social Welfare and Development sa pamumuno ni Ms. Gabriela B. Fernandez sa kanilang tagumpay sa naganap na Service Delivery and Capacity Development na isinagawa ng ating Department of Social Welfare and Development Office Regional Office kung saan mula LEVEL 1 ay umangat ang ating SOCIAL SERVICES sa LEVEL 2.

 Lahat ng tagumpay na ito ay mula sa walang sawang pagsuporta ng ating TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ at sa matatag na pagtutulungan ng ating lokal na pamahalaan na pinangunugunahan ng ating TITA MAYORA at kanyang kapatid na si VICE MAYOR NESTOR LAZARO ALVAREZ,Ph.D. mga depatamento nito at mga mamamayan ng ating lungsod. Sama-sama po tayo patungo sa patuloy na pag-unlad ng ating lungsod na mahal.