Nakatanggap ang PESO ng Science City of Munoz ng sertipiko ng pagkilala o Certificate of Recognition (Component City Category) sa pamamagitan ni Honorable Nestor L. Alvarez, Ph.D. bilang Chief Executive at ng PESO Manager na si Ms. Mary Joyce D. Tambalque para sa mainam na paggamit ng buong cycle (Applicant Registration,

Employers Registration, Job Vacancies Posted, Referral, and Replacement) ng PESO Employment Information System (PEIS). Ang nasabing award ay iginawad nitong Pebrero 27, 2020 sa 2019 PESO Year-End Performance Assesment and 2020 Planning Exercises sa Royce Hotel & Casino, Clark Freeport Zone, Pampanga.

Nakatanggap din ng Best in SPES ang Science City of Munoz PESO sa pamamagitan ni Honorable Nestor L. Alvarez, Ph.D. bilang Chief Executive at ng PESO Manager na si Ms. Mary Joyce D. Tambalque para sa matagumpay at maayos na pagpapatupad ng SPES. Ang nasabing award ay iginawad nitong December 16, 2019 sa NEFPMI General Assembly and Award Ceremony sa Old Capitol Building, Burgos St. Cabanatuan City.

Kabilang dito, sila din ay nakatanggap ng citation para sa kanilang halimbawang tagumpay sa pagsasakatuparan ng PESO Programs and Services para sa taong 2019 gayon din ang buong puso at hindi matitinag na suporta sa promotion at delivery ng DOLE’s Employment Program.

Isang Citation naman ang iginawad kay Ms. Mariel Fulgencio ng Science City of Munoz PESO para sa kanyang kontribusyon sa nakamit na tagumpay at layunin ng Nueva Ecija Federation of PESO Managers, Inc. at ng Department of Labor and Employment Nueva Ecija Field Office na iginawad nitong December 16, 2019 sa Old Capitol Building, Burgos St., Cabanatuan City.

Ang mga award na ito ay binigyang pagkilala nitong ika-2 ng Marso pagkatapos ng flag raising ceremony. Saksi sina Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D., Vice Mayor Ramon Angelo R. Coronel, Coun. Joe Ruiz, Coun. Henry Agaloos, PLtCol Gerald T. Licyayo, mga Derpartment Heads at mga kawani ng gobyerno.