Naniniwala po ba ang lahat na ang mga MUÑOZONIAN ay mapagmahal? Syempre naman basta taga Muñoz sweet lover!

 Tunay ngang nagmamahalan ang ating mga kababayan sapagkat isa nanaman pong nakakabighaning magsing-irog ang ikinasal sa ating Bahay Pamalaan na sina Maui at Maybelene; at Ryan at Michelle nitong Nobyembre 9, 2022. Ang seremonya ay pinangungunahan ng ating mapagkalinga na TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ.

 Tulad ng pagmamahal ng ating TITA MAYORA BABY ARMI sa ating lungsod at mamamayan nito ay magmahalan po tayong lahat at magtulungan. Sapagkat kaygandang tignan ng isang lungsod na punong puno ng pagmamahalan, pagkakaisa at pagtutulungan.

“Ang langit ay tulad ng kasalan na puno ng pagmamahalan ng kinasal at lahat ng inaanyayahan – sa nagmamahal ay walang kamatayan.”

-Lucas 20:27-38