“Mga asawang lalaki, ibigin ninyo ang inyong asawa tulad ng pagmamahal ni Cristo sa iglesiya at ipinagkaloob niya ang kaniyang sarili para dito”.

– Mga Taga-Efeso 5: 25

 Kaygandang pagmasdan ang mga magsing-irog na binubuklod upang magsama at bumuo ng masayang pamilya. Muli, isang pagbubuklod ang naganap nitong Oktubre 5, 2022 sa ating Bahay Pamahalaan ng Science City of Muñoz kung saan ikinasal sina Richard at Nica at sina Elvin at Charo. Ang seremonya ay pinamunuan ng ating masipag at masigasig na MAYOR BABY ARMI L. ALVAREZ.

Mabuhay ang bagong kasal! Magmahalan nawa ang ating mga bagong kasal at pagpalain nawa ang inyong pagsasama ng walang humpay na kasaganaan at kasiyahan.