KASAMA o Kabuhayan Para Sa Magulang Ng Batang Manggagawa ay isang programa mula sa DOLE o Department of Labor and Employment kung saan ang Government Internship Program o GIP ay siyang hinirang ng DOLE upang makilala ang mga batang manggagawa o child laborer sa lungsod. Limang (5) benepisyaryo sa Lungsod Agham ng Muñoz ang napili upang mapagkalooban ng livelihood o pangkabuhayan para matugunan ang panagangailangan ng kanilang mga anak tulad ng edukasyon upang sa ganon ay hindi na kailangan pang magtrabaho ng mga bata. Ang layunin ng programa ay ang mabawasan ang bilang ng mga batang manggagawa sa Pilipinas.