Mga kababayan! Isa nanaman pong kagalak galak na balita ang handog namin sa inyo sapagkat nagliliwanag po ang gabi ng ating mga kababayan sa Barangay Gabaldon sa LABINLIMANG (15) SOLAR STREET LIGHTS na handog ng Pamahalaan ng Lungsod Agham ng Muñoz sa pamumuno ng ating aktibong Super Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. katuwang ang ating City Engineer Engr. Armando Miranda, Kapitan Bernardino Bautista at ng Sangguniang Kabataan sa pangunguna ni SK President Mr. Christian Mercado ng Gabaldon.

Maaasahan po natin ang patuloy na pagtutok ng ating Punong Lungsod Mayor Alvarez kasama ang ating City Engineer upang makamit ang nais ng lahat na magliwanag ang gabi ng mga Muñozonian sa lahat ng Barangay ng Lungsod Agham ng Muñoz.

Ang pagmamahal ang nawa’y patuloy na magsilbing liwanag sa madilim na gabi. Mabuhay Muñoz! Mabuhay Muñozonian!

#NaglilingkodngLubosatmayAksyon
#ALagangAlvarez
#TatakAlvarez
#SerbisyongHandog
#KapayapaanKatahimikanKaayusan